Pinasalamatan ni Kris Aquino ang kaniyang mga loyal social media followers dahil sa hindi pag-iwan sa kaniya.

Sa kaniyang social media account , nagpost ang 49-anyos na dating actress ng larawan na may caption sa hindi nito basta pagbigay.

Ibinahagi din nito ang labis na pagmamahal mula sa kaniyang mga kapatid na babae.

Pinapaabangan pa nito sa kaniyang mga fans ang bagong chapter nito pero hindi nito binanggit kung ito ba ay sa kaniyang career o sa personal.

Magugunitang dalawang taon na tumigil sa paglabas sa mga telebisyon at pelikula ang actress.