Kris Aquino
Kris Aquino/ IG post

Patuloy ang paglaban ni Kris Aquino sa kaniyang auto-immune disease.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi nito na patuloy ang pananakit ng kaniyang kanang kamay, tatlong linggo na itong inuubo at nagpakuha na rin ng blood test.

Nagpapasalamat pa rin ito dahil gaya ng naging resulta noong Nobyembre ay parehas pa rin ito hanggang sa kasalakuyan.

Kailangan din aniya na labanan niya ang anemia at pagkontrol sa thyroid issues na may kaugnayan sa kaniyang pagbabawas ng timbang.

Dagdag pa nito na hindi man ito masigla ay hindi naman grabe ang sakit nito.

Pinayagan na rin ito ng kaniyang doktor na bumalik na sa trabaho.