(Update) Ayaw magpakampante ni Kris Aquino kahit negatibo na ang resulta nito sa COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).
Kahapon nang ibahagi ng 49-year-old TV host/actress na naging COVID positive ang isa sa kanyang driver, dahilan upang maapektuhan ang muling pagsabak sa taping.
Ayon sa dating presidential sister, November 3 nang sumailalim sa “PCR” test ang kanilang buong team habang nasa kanilang quaratine mode at dito rin nila natanggap ang balita na tinamaan ng COVID ang hindi na pinangalanang driver.
Hindi naman aniya nila ito kasama at hindi rin siya ang ipinagda-drive, kundi nakatoka ito sa pagsundo at paghatid sa homeschooling teacher ng bunsong anak na si Bimby.
“.. he regularly picks up members of my team from their homes, and normally when i need to bring many things & we’re a complete group, he drives our 2nd vehicle,” dagdag nito sa kanyag IG post.
Dahil dito, pinili ng team ng tinaguriang Queen of All Media na mag-pack up na lang muna upang mamonitor ang kalusugan kahit may option sila na magsuot ng personal protective equipment & N95 masks.
Pag-amin ni Kris, nakaranas ito ng dry cough, sore throat, headache, sinus congestion, matinding pagod, at mataas na blood pressure, na umabot sa puntong nawalan na siya ng boses.
Nabatid na bagama’t unang nagkaroon ng COVID scare nitong Agosto, mas dumami lang daw ang nasangkot sa pagkakataong ito kaya mas tumindi rin ang pangamba.
Kuwento pa nito:
“The client was informed immediately, i didn’t do my pre-shoot recording on the 4th, on the 5th we all did the antigen test and we were still all negative.”
“3 PM kanina nag PCR test kaming lahat sa team ko, hindi ako makatulog waiting for the results… Thank You God- for now okay kami. November 10, one more test para totally CLEARED na ang Team Kris.”