-- Advertisements --

Muling sinagot ni Kris Aquino ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon at ”wishing Kris dead” posts sa social media habang nagbabahagi siya ng update sa kanyang patuloy na gamutan para sa autoimmune diseases.

Sa kanyang Instagram post noong Biyernes, Oktubre 17, sinabi ni Kris:

Sa kanyang Instagram post nitong Biyernes, Oktubre 17 sinabi ni Kris na: “Friends have been sharing with me probably the 80th bad taste ‘wishing KRIS dead post’… you are a liar!”

Tinukoy niya ang isang pekeng post kung saan sinasabing siya ay bumagsak sa isang family gathering, kalakip pa ang AI-generated na larawan na mistulang nasa bingit ng kamatayan.

Pinabulaanan niya ito at sinabing ang totoong larawan ay kuha habang nagbabasa siya ng libro sa iPad noong Miyerkules ng gabi.

Ibinahagi rin ni Kris ang naging delikadong karanasan matapos ang isang infusion treatment, kung saan halos manganib ang kanyang buhay.

“Within 3 days I could have a stroke, a heart attack, an aneurysm or cardiac arrest,” aniya, matapos magpakita ng masamang reaksyon ang kanyang katawan sa gamot.

Ayon kay Kris, kasalukuyan siyang naka-isolate kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby dahil lubhang mababa ang kanyang immunity. Sa kabila nito, nagpapasalamat siyang nabibigyan siya ng panahon para magbasa at magdasal.

Inilahad din niyang hindi pa siya ganap na gumagaling, ngunit bumaba na ang mga sintomas ng kanyang mga sakit gaya ng matinding ubo at pamumula sa mukha.

“Let’s keep praying. God is listening,” pagtatapos niya.

Matatandaan na kamakailan lang ay sumailalim si Kris sa ilang surgical procedures bilang bahagi ng kanyang mas agresibong gamutan.