Plano ni Kris Aquino na mag-aral ng political science at gumawa ng mga documentary films.

Ibinunyag nito ang nasabing plano matapos ang panawagan ng kaniyang mga fans na bumalik na ito sa showbiz.

Posibleng gawin niya ang nasabing pagkuha ng political science sa pamamagitan ng online.

Paglilinaw aniya nito sa kaniyang fans na mahalaga ang mag-aral muna para mas marami itong malalaman.

Bago rin aniya na bumalik ito sa trabaho ay kailangan niya muna kumuha ng clearance mula sa kaniyang doctor dahil sa dinadanas nitong autoimmune issues.