-- Advertisements --

Ibinasura ng Korte Suprema sa Michigan ang apila ng mga botante na nagpapadisqualify kay dating US President Donald Trump na tumakbo muli sa pagkapangulo.

Ang nasabing hirit ay matapos ang ilang araw ng magpasya ang Colorado na siyang unang estado na pagbawalan si Trump na tumakbo bilang kandidato.

Itinuturing kasi na ang Michigan bilang battleground state sa 2024 general election.

Noong 2020 election kasi ay nagwagi si US President Joe Biden ng halos tatlong porsiyento lamang.

Ipinaliwanag ni Supreme Court Justice Elizabeth Welch na ang batas sa Michigan ay iba sa Colorado na hindi maaaring maging grounds o kuwestiyunin kung ang Capito riot noong Enero 6, 2021 ay maituturing na insurrection sa ilalim ng batas.