-- Advertisements --
Nagpasya ang singer na si Kelly Clarkson na ipagpaliban ang kaniyang mga show sa Las Vegas.
Ito ay dahil sa may sakit ang dating asawa nito na si Brandon Blackstock.
Sa kaniyang social media account sinabi nito na kailangan siya ng kaniyang pamilya dahil sa pagkakasakit ng ama ng kaniyang mga anak.
Hindi naman na binanggit nito kung anong uri ng sakit ang naramdaman ng dating asawa.
Ikinasal ang dalawa mula 2013 hanggang 2022 bago sila nag-divorce kng saan mayroon silang dalawang anak na sina River , 10-anyos at Remington,8-anyos.