-- Advertisements --

Inamin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na hindi magko-convene ang Senado bilang impeachment court dahil sa desisyon ng Korte Suprema na walang hurisdiksyon ang Senado sa kaso ni VP Sara Duterte.

Ayon sa Korte Suprema, labag sa Konstitusyon ang isinampang Articles of Impeachment kaya’t hindi ito maaaring ituloy.

Dagdag ni Estrada, susunod siya sa desisyon ng Korte Suprema maliban na lamang kung ito ay ma-reverse sa pamamagitan ng motion for reconsideration.

Kung sakaling baligtarin ng SC ang desisyon, sinabi ni Estrada na saka lamang magko-convene ang Senado bilang impeachment court.

May ilang senador na pumirma sa isang resolusyon na humihiling sa Senado na ituloy ang impeachment trial kahit may desisyon na ang SC.

Inaasahang tatalakayin ng Senado ang isyung ito sa plenary session sa Agosto 6, 2025.