-- Advertisements --

NAGA CITY – Ikinatuwa ni Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin ang ipinalabas na writ of preliminary injunction ng Quezon City Regional Trial Court na may kinalaman sa apela laban sa pag-ban ng mga provincial buses sa EDSA.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Garbin, sinabi nitong natutuwa siya na pinakinggan ng korte ang hinaing ng maraming mga pasahero at nakita ng mga ito ang kapakanan ng mga tao.

Ngunit ayon kay Garbin, mas magiging maganda at makukumpleto ang laban sakaling magpalabas na rin ng desisyon ang Korte Suprema kaugnay ng Temporary Restraining Order (TRO) na hanggang sa ngayon ay kanila pang hinihintay.

Sa kabila nito, kampante naman ang mambabatas na papabor sa kanila ang magigin desisyon ng Supreme Court.

Inaasahan na rin ng kongresista na muling aapela at magsasampa ng mosyon ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA laban sa naturang desisyon ng korte.