espenido
Police Maj. Jovie Espenido

ILOILO CITY – Pansamantalang itinalaga sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit (RPHAU) ng Police Regional Office (PRO-6) ang kontrobersiyal na si Lt. Col. Jovie Espenido.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Lt. Col. Joem Malong, tagapagsalita ng PRO-6, sinabi nito na noong Oktubre 4 ang effectivity ng bagong assignment ni Espinido.

Sa kabila nito ayon kay Malong, hindi pa nakakapag-report si Espenido sa PRO-6.

Ayon kay Malong, hindi pa pinal na sa Bacolod City ang susunod na assignment ni Espenido dahil hindi naman ito nakasaad sa memorandum na ipinalabas ng PNP Directorate for Personnel and Records Management.

Nakasalalay naman sa Regional Director ayon kay Malong ang pagdesisyon kung saan ang final assignment ni Espenido