Makikipag-ugnayan na raw si Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teddyboy Locsin Jr sa Department of Transportation (DoT) at National Economic and Development Authority (NEDA) kung mayroong mga aprubadong mga proyekto o ongoing projects sa mga Chinese partners na nasa ilalim ng US sanctions.
Kasunod na rin ito ng naging pahayag ni Locsin na termination ng mga local contracts ng mga Chinese firms na mapapatunayang sangkot sa militarisasyon sa West Philippine Sea.
Ang pahayag ni Locsin ay kasunod na rin ng hakbang ng Estados Unidos na magpataw ng sanction sa Beijing state run firms maging ang visa restrictions sa mga Chinese nationals.
Sinabi ng US na ginagamit ng China ang kanilang its state-owned corporations sa dredging at reclamation ng mahigit 3,000 acres na bahagi ng karagatan sa West Philippine Seas.
Nitong buwan sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na mistulang naghahanap daw ng gulo ang pressence ng American sa naturang rehiyon.
Kung maaalala, taong 2016 nang maipanalo ng Pilipinas ang isinampang kaso laban sa China sa The Hague-based international tribunal kontra sa reclamation na isinasagawa ng China sa West Philippine Sea.