BACOLOD CITY – Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa pag-ambush-patay sa konsehal ng Bayawan City, Negros Oriental nitoing Martes ng umaga.

Ayon sa Negros Oriental Police Provincial Office, nagmamaneho ang biktimang si City Concilor Alex Tizon ng maroon na Isuzu Crosswind Sportivo at papauwi na sa kanilang bahay sa Barangay Villareal mula sa city proper, dakong alas-10:40 ng umaga.

-- Advertisement --

Binabaybay na nito ang national highway sa Barangay Villareal nang nag-overtake ang mga suspek na sakay sa motorsiklo at pinagbabaril ang driver’s seat ng sasakyan.

Dahil sa maraming tama ng bala, kaagad na binawian ng buhay ang 66-anyos na biktima.

Narekober sa crime scene ang apat na empty shells ng .9mm caliber pistol.

Ang biktima ay retiradong pulis na assigned din noon sa Bayawan City Police Station bago tumakbo sa pulitika.

Ayon sa Bayawan City Police Station, may kaugnayan sa pulitika at trabaho ng dating pulis ang iilan sa mga anggulo na tinitingnan sa krimen.