-- Advertisements --

Sinibak na ng New York Knicks ang kanilang head coach na si Tom Thibodea.

Ang nasabing pagsibak ay matapos ang kabiguan ng koponan sa Eastern Conference Finals.

Taong 2020 ng kinuha ng Knicks si Thibodeau at mula noon ay nakapasok sila ng apat na beses sa playoff sa limang season at ang back-to-back na 50 panalo sa unang pagkakataon noong 1990.

Ayon sa koponan na naging mahirap para sa kanila ng desisyon na humiwalay sa kanilang coach.

Sa mga susunod aniya na araw ay kanilang iaanunsiyo kung sino ang magiging bagong coach nila.