-- Advertisements --

Naging epektibo ang bilateral live-fire drill na isinagawa ng Philippine Army “King of Battle” Artillery Regiment at ng 25th Infantry Division ng U.S. Army Pacific sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.

Ito ay bahagi ng Salaknib Phase 1 na kasalukuyang isinasagawa sa pagitan ng hukbong katihan ng PH at US.

Isinagawa ang live-fire drill sa kabundukang sakop ng Nueva Ecija kung saan ginamit ng hukbo ang ATMOS 155mm self-propelled guns at M119A3 howitzer, isa sa mga pangunahing artillery unit na may firing range na hanggang 19 kilometers (12.1 miles).

Sa ilalim ng Salaknib Phase 1, nakapaloob dito ang 37 Foundational Training Activities na sumasaklaw sa lahat ng Army warfighting functions tulad ng force protection, live fire, movement and maneuver, mission command and intelligence, at iba pa.

Sa kabilang banda, ang Phase 2 ng Salaknib ay bubuuin ng 25 araw na Joint Pacific Multinational Readiness Center (JPMRC) na may pangunahing pokus para sa large-scale combat operations.

Nagsimula ang Salaknib sa unang bahagi ng Abril.