-- Advertisements --
Personal na dinaluhan ni King Charles III ang rehearsals para sa kaniyang coronation sa araw ng Sabado.
Nakibahagi ito sa ensayo sa mga programa na ginanap sa Coronation garden party sa Buckingham Palace.
Nakasalamuha nito ang ilang bisita na nag-eensayo gaya ng singer na si Lionel Richie.
Nagsagawa na ng mga paglilinis at may ilang tao na rin ang nagtayo ng tent sa tinatawag na The Mall ang lugar na kaharap ng Buckingham Palace kung saan isasagawa ang coronation.