-- Advertisements --

Pumanaw na ang nag-iisang elepante ng Manila Zoo na si Mali.

Kinumpirma ni Manila City Mayor Honey Lacuna ang pagpanaw ni Vishwamali o kilala bilang si Mali na pumanaw nitong 3:45 ng hapon ng Martes.

Isinagawa ng mga beterinaryo ang necropsy para malaman ang naging dahilan ng pagpanaw ni Mali.

Si Mali ay dinala sa Pilipinas galing sa Sri Lanka noong 1977 bilang regalo kay dating First Lady Imelda Marcos.

Base sa World Wide Fund for Nature na ang mga wild elephants ay kayang mabuhay mula 60 hanggang 70 taon.