Pinarangalan bilang Rookie of the Year sa 2025–26 Korean Basketball League (KBL) ang Filipino star na si Kevin Quiambao.
Ito ay kasunod ng kaniyang magandang debut performance sa Goyang Sono Skygunners bilang power forward.
Nagawa ni Quiambao na magtala ng average na 15.8 points per game , 6.5 rebounds, and 4.0 assists per game sa kaniyang rookie season, at nagsilbing isa sa mga pangunahing scorer, hindi lamang ng Skygunners kungdi sa buong liga.
Malaki rin ang naging papel ng bagitong Pinoy sa kampaniya ng koponan para makakuha ng isang playoff post ngayong season. Nagawa ng koponan na magbulsa ng 28-26 win-loss record at nakuha ang ika-limang pwesto sa liga.
Ito ang unang pagkakataon na makapasok ang Skygunners bilang isang franchise sa KBL.
Bago nagpunta sa Korea, dating naglaro si Quiambao sa De La Salle University at isa sa mga pangunahing miyembro ng Gilas Pilipinas.
Kabilang sa mga naging laro ng Gilas kung saan nagawa niyang mag-ambag ng magandang performance ay noong hinarap ng Pilipinas ang Team Australia sa 2025 FIBA Asia Cup kung saan nagpasok siya ng 17 points. (report by Bombo Genesis)
















