f

BAGUIO CITY – Muling mabubuksan sa mga motorista ang makasaysayang Kennon Road ngayong araw hanggang sa Lunes, Mayo 27.

Napagkasunduan sa ginanap na inter-agency meeting na temporaryong mabubuksan ang kalsada partikular ang pataas na bahagi nito patungo sa central business district.

Umaasa ang mga concern agencies ng pamahalaan na sa pamamagitan ng temporaryong pagbukas sa Kennon Road ay mababawasan ang masikip na daloy ng trapiko sa Marcos Highway.

Isa sa mga dahilan ng temporaryong pagbukas ng Kennon Road ay upang mabigyang daan ang mga dadalo sa graduation rites sa Philippine Military Academy sa araw ng Linggo, Mayo 26.

Ginagamit ang Kennon Road bilang isa sa mga pangunahing kalsadang patungo at palabas ng City of Pines o Baguio City at dito matatagpuan ang historical site na Lion’s Head