-- Advertisements --

Nagposte si Kawhi Leonard ng season-high na 36 points katuwang si Lou Williams na may 27 mula sa bench upang dalhin ang Los Angeles Clippers sa panalo, 119-112 laban sa Minnesota Timberwolves.

Dahil dito, natuldukan ng Clippers ang dalawang sunod na talo kahit wala si Paul George na nagpapagaling pa sa kanyang foot injury.

Sa panig ng Minnesota si Naz Reid ay umiskor ng 23 points mula sa bench at nagbabalik na si Karl-Anthony Towns na nagtapos sa 18 mula sa 13-games na pagkawala makaraang magpositibo sa COVID noong kalagitnaan ng buwan ng Enero.

Sa ngayon hawak ng Clippers ang 18-8 record, habang nangungulelat naman sa 6-19 ang Timberwolves.

Ang next game ng Clippers ay sa Sabado laban sa Chicago.

Ang Minnesota naman ay tutungo sa Charlotte.