Kinumpirma ng head coach ng San Antonio Spurs na si Gregg Popovich na hindi makakalaro bukas ang kanilang superstar na si Kawhi Leonard sa Game 2 ng Western Conference finals laban sa Golden State Warriors.

Lumabas sa MRI results ni Leonard na nagkaroon ito ng pilay sa kaliwang tuhod na kanyang natamo sa Game 1.

Sinasabing ito ang naging dahilan kung bakit nasilat sila ng Warriors ng mawala sa third quarter si Kawhi.

Hindi pa masabi ng coach kung kailan babalik si Leonard.

Liban kay Leonard, may injury din ang point guard na si Tony Parker.

Hanggang ngayon ay galit pa rin si Popovich kay Zaza Pachulia dahil daw sa maruming laro.

Bagay na mariin namang itinatanggi ng Warriors na sinadyang gawin ito ni Pachulia kay Leonard.

Si Popovich ay hindi naman matanggap ang paliwanag ni Pachulia.