-- Advertisements --

jUstice

Sa kauna-unahang pagkakataon, magre-retiro ang isang Supreme Court (SC) justice sa pamamagitan ng isasagawang online retirement rites.

Sa text message ni SC Spokesman Atty. Brian Keith Hosaka, sinabi nitong magiging agenda ng pulong ang pagreretiro ni Justice Andres Reyes Jr.

Dahil dito, isasagawa ng SC En Banc ang special session sa darating na Biyernes, May 8, 2020 para pag-usapan ito.

Isasagawa ito sa pamamagitan ng videoconferencing at magiging isang pribadong seremonya na lalahukan lamang ng mga mahistrado ng kataas-taasang hukuman.

Batay sa official website ng Korte Suprema, magdiriwang ng kanyang kaarawan ang mahistrado sa Mayo 11 sa edad na 70.