Inilabas na ng Filmmaker at producer na si Erik Matti ang promotional poster para sa kauna-unahang horror film na pagbibidahan ni Megastar Sharon Cuneta na may pinamagatang “Kuwaresma.”

Sa post na ibinahagi ni Matti sa kanyang official facebook account, nagbigay ito ng clue sa ano ang dapat abangan ng mga manunuod sa pelikula.

Kasama ni Megastar sa nasabing horror film na ito ay ang Blockbuster Cinematic Icon John Arcilla.

Ito ang kauna-unahang proyekto ni Sharon sa ilalim ng Reality Entertainment.