Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na namatay na ang kauna-unahang Coronavirus disease 2109 (COVID-19) patient sa New Bilibid Prison (NBP).
Ang namatay na lalaking person deprived of liberty (PDL) ay na-admit sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) noong April 17, 2020.
Sa official report, binawian ng buhay ang PDL ngayong gabi lamang.
Sa ngayon nakikipag-ugnayan na ang NBP Hospital staff sa RITM para sa bangkay ng inmate.
Lumalabas na ang naturang PDL ay nagkaroon ng interaction sa asymptomatic patient na ngayon ay naka-quarantine na at nananatili pa ring asymptomatic.
Ayon sa BuCor, sa kabila ng stringent measures na ipinatutupad sa piitan noon pang nakaraang linggo para maiwasan ang insidente ng covid case ay naitala pa rin ang naturang kaso noong Lunes.
Siniguro naman ng BuCor sa publiko na ginagawa nila ang lahat para hindi kumalat sa NBP ang virus.