-- Advertisements --

Ang katapatan ng bawat sundalo ay dapat nakatuon lamang sa Republika ng Pilipinas at hindi sa sinumang indibidwal o grupo.

Ito ang binigyang-diin ni PBBM sa Joint graduation ceremony ng mga major services officers candidate course ng AFP.

Ayon kay Pangulong Marcos dapat manatiling hiwalay sa anumang anyo ng pulitika o maging apolitical ang mga sundalo, ang pagiging miyembro ng AFP ay pagsasabuhay ng integridad at tapat na paglilingkod sa bayan. 

Hinikayat niya ang mga bagong opisyal na panatilihin ang dangal ng uniporme at tuparin ang kanilang tungkulin nang may katapatan at dedikasyon para sa kapayapaan at seguridad ng bansa.

“ More than this, the AFP that you are part of now must always rise above politics. Your loyalty must not be [to] any individual or any faction, but only to the Republic.

The time and effort that you have spent in this course has taught you that by becoming full-fledged officers, your integrity is carried in your uniform and rank.  

Sa panahon ngayon, kung kailan maraming Pilipino ang nangangailangan ng katapatan at katapangan sa serbisyo, kayo ang unang magiging halimbawa sa kanilang lahat,” pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.