Nakatakdang bumiyahe na sa araw ng Biyernes sa Bolivia si Kat Llegado para sa Reina Hispanoamericana 2019 beauty pageant.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan na nagpapakita ng kaniyang kahandaan.

Pinasalamatan niya ang mga taong nasa likod para marating ang nasabing pageant.

Gaganapin ang coronation night sa November 9 sa Bolivia.

Magugunitang unang Pinay na sumali sa pageant ay si Winwyn Marquez noong 2017.