Inilagay muna ng Muntinlupa Regional Trial Court sa archives ang kinakaharap na kasong pagpatay nin dating Bureau of Corrections chief Gerarld Bantag, at kaniyang dating deputy nito na si Ricardo Zulueta.
Ito ay habang hinihintay pa ng korte ang pagkakaaresto sa dalawa na may kaugnayan sa pamamaslang sa beteranong broadcaster na si Percy Lapid, at pinaniniwalaang middleman na si Jun Villamor na pinatay naman sa New Bilibid Prison.
Sa pitong pahinang utos, ini-archive ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 ang kaso na kinasasangkutan ng pagpatay kay Jun Villamor, ang sinasabing middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid, na sasailalim sa revival.
Samantala, pleaded guilty naman ng may mas mababang offense ang iba pang akusado sa naturang kaso.
Kung maaalala, noong nakaraang linggo ay hinatulan ng Las Piñas Regional Trial Court ang tatlong NBP inmates ng dalawa hanggang walong taong pagkakakulong bilang mga accessories sa pagpatay kay Lapid.