Isinumite na para sa reasolusyon ang kasong illegal possession of firearms, ammunition at explosives laban kay suspended Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves.
Ayon sa abogado ni Cong. Teves na si Atty. Ferdinand Topacio, matapos na ang mga pagdinig sa naturng kaso.
Saad pa ni Topacio na naghain ang kanilang kampo ng motion to dismiss para ibasura ang naturang kaso sa isinagawang preliminary investigationsa Deparment of Justice (DOJ).
Sa 10 pahinang mosyon, isinusulong ang pagbasura ng reklamo dahil sa kawalan ng ebidensiya na susuporta sa paghahanap ng probable cause.
Sa naturang mosyon, iginiit ng kampo ni Teves na nabigong patunayan ng mga complainant ang kasong ibinabato laban sa mambabatas.
Sinabi din ng kampo ni Teves na walang sapat na ebidensiya na susuporta sa probable cause para sa physical o constructive possession sa parte ng kongresista.
Kung maaalala, naghain ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group ng complaint para sa illegal possession of firearms laban kay Cong. Teves matapos makumpiska ang iba’t ibang kalibre ng mga baril, mga bala at pampasabog mula sa isa sa property ni Teves sa isinagawang raid.
Subalit sinabi ni Atty. Topacio na hidni pagmamay-ari ni Teves ang mga armas na umano’y nasamsam mula sa kaniyang bahay.