-- Advertisements --
Hiniling ng Bureau of Corrections (BuCor) sa mga mambabatas na kung maari ay taasan ang medical allowance ng mga inmates.
Ayon kay BuCor chief Gregorio Catapang Jr nais nilang gawing P30 ito mula sa P15 dahil hindi ito sapat.
May hakbang din silang ginagawa na itinuturo sa mga inmates gaya ng pagtatanim ng mga herbal na tree na makakagamot sa mga sakit.
Dahil sa siksikan ng mga inmates sa mga jail facilities sa Metro Manila kaya napipilitan silang ilipat ang iba sa labas nga Metro Manila.
Mula pa noong 2022 ay tuloy-tuloy ang ginagawa nilang decongestion.
Kung dati ay mayroong 313 percent ang prisoner congestion ngayon ay mayroon na lamang 243 percent.
















