-- Advertisements --

Kinumpirma ni Interior Secretary Eduardo Año na umaarangkada na ang imbestigasyon ng Department of Education (DepEd) at Philippine National Police (PNP) tungkol sa review center na naglabas ng malilisyosong pangalan sa kanilang learning module.

Nagawa pang magbiro ni Pangulong Duterte na si Año na raw ang sumampal sa review center para hindi na umulit pa ang mga ito.

Ang naturang learning module ay nagmula raw sa DepEd na pinasinungalingan naman ni DepEd Sec. Leonor Briones. Isang pampribadong review center umano sa Zambales ang gumawa ng module na ito.

“About a good percentage of our studentry is really dependent already on Facebook and whatever learning that they could get from there,” saad ni Duterte.

“Kami nag-uusap kung what sort of punishment to give,”

“If minor, we’ll have to deal with a minor. Pero kung matanda na ‘yan, ipadala mo sa Maynila, sampalin ko,” wika ng presidente.

Ayon kay Año dapat lang na ituloy ang kaso laban sa naturang review center upang hindi na tularan pa ng iba.

“Magbibigay po kami ng rekomendasyon. Maganda po talaga na tuluyan ng kaso ito para ‘wag pong pamarisan,” ani Duterte.