Tiniyak ng pamunuan ng Department of Budget and Management na mayroong sapat na budget ang gobyerno para sa mga isinasagawa nitong pagtugon sa mga kalamidad na tumatama sa bansa.
Sa isang pahayag ay sinabi ni DBM Secretary Amenah “Mina” Pangandaman na nakahanda ang pamahalaan sa paghahatid ng agarang tulong sa mga apektadong lugar.
Partikular na rito ang mga residente at pamilyang naapektuhan ng pagbaha dulot ng nagdaang bagyong Crising, Dante, Emong at maging ng habagat.
Mayroon rin aniya na nakalaang National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) sa National Budget ng Pilipinas.
Sinabi rin nito na maaaring magamit kaagad ng mga frontline agency ang naturang pondo para sa pagsasagawa ng relief at rehabilitasyon sa mga lugar na naapektuhan.
Aniya, kapag kumpleto ang mga kinakailangang dokumento at kaagad nilang pinoproseso ang release ng pondo sa mga ahensya ng gobyerno na nangangailangan.