-- Advertisements --

Inihahanda na ng Makati City PNP ang kaso laban sa suspek na sumaksak at pumatay sa isang military nurse.

Ito ay matapos na maaresto ang suspek na si John Louie Brosas, 19, na siya umanong pumatay sa saksak sa biktimang si 2nd Lt. Army Jennet Beron Aguilar.

Sinabi ni Major Gideon Ines, hepe ng Makati police Criminal Investigation and Detection Unit, pagnanakaw lamang sa cellphone ang motibo nito sa biktima subalit dahil sa nakipag-agawan pa umano sa tinangay na cellphone kaya nagawa niya itong saksakin.

Itinakbo pa sa pagamutan ang bikitma matapos magtamo ng dalawang saksak sa dibdib subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Naaresto ang suspek sa bakanteng lote malapit sa bahay ng biktima at ito ay kinuyog na ng mga residente sa lugar.