Umabot na sa 2,177 kaso ng leptospirosis sa bansa mula Enero 4 hanggang Hunyo 6, 2026, ayon sa Department of Health (DOH), mas mataas ng 6% kumpara sa parehong panahon noong 2025.
Ayon sa DOH Epidemiology Bureau, karamihan sa mga kaso ay mula sa Metro Manila, Central Luzon, at CALABARZON, kung saan madalas na naiulat ang pagbaha at matagal na pagkakababad sa tubig.
Naitala rin ang 77 na nasawi mula sa sakit ngayong taon, mas mataas kaysa sa 70 deaths na naitala noong nakaraang taon.
Pinapaalalahanan ng DOH ang publiko na iwasan ang paglusong sa baha lalo na kung may sugat sa balat, at agad na magpatingin sa doktor kung makaranas ng sintomas gaya ng lagnat, pananakit ng kalamnan, pamumula ng mata, at paninilaw ng balat.
Nagpapatupad na rin ang DOH ng intensified information campaign sa mga barangay at paaralan, habang ang mga lokal na pamahalaan ay nagkakaloob ng doxycycline prophylaxis para sa mga high-risk individuals gaya ng mga rescue workers at street sweepers.
Sa kasalukuyan, nananatiling mataas ang alert level ng DOH para sa leptospirosis lalo na ngayong tag-ulan, at patuloy na mino-monitor ang mga ospital upang matiyak ang sapat na suplay ng gamot at pasilidad para sa mga pasyente. (report by Bombo Jai)
















