Nadagdagan pa ng 16 na bagong kaso ng Omicron subvariant na XBB.1.16 sa Pilipinas dahilan para pumalo na ito sa 44.
Base sa pinakabagong COVID-19 biosurveillance report ng Department of Health, ang 16 na local cases ng Arcturus ay nadetect sa Western Visayas.
Una ng sinabi ng DOH na ang naturang strain ng COVID-19 ay kayang malabanan ang immunity at lumalabas na mas nakakahawa kumpara sa mga naunang variants.
Kinumpirma din ng DOH na mayroon ng local transmission ng nasabing virus sa bansa dahil sa tumataas na bilang ng mga dinadapuan ng variant na walang linkages sa international cases o walang natukoy na histroy of exposure.
Sa pinakahuling ulat ng DOH nitong Hunyo 1, nasa kabuuang 41 million na ang dinapuan ng covid-19 kung saan 15,418 ang nananatiling aktibong kaso ng covid-19 sa bansa habang nasa 66,466 naman na ang nasawi dahil sa viral disease.