-- Advertisements --
Ibinasura ng korte ang kasong terorismo laban kay Kneecap rapper Liam Óg Ó hAnnaidh dahil sa technicality.
Nitong Mayo ng kasuhan siya dahil sa pag-display ng bandila na nagbibigay suporta sa Hezbollah.
Naganap ito sa kanilang show sa O2 Forum sa Kentish Town, London noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Mariing itinanggi ng singer o kilala sa stage name na Mo Chara ang akusasyon at sinabing pamumulitika lamang ang nasabing kaso.
Nakita ng abogado ng depensa na ang kaso ay hindi agad isinampa sa loob ng anim na buwan na time limit.
Giit naman ng singer na ang kaso ay hindi lamang para sa kaniya at sa halip ito ay para sa Gaza kung saan lahat ng mga nais na magsalita para sa mga mamamayan ng Gaza ay pinapatahimik.
















