Hindi muna itutuloy ng celebrity couple Katty Perry at Orlando Bloom ang kanilang kasal sa Japan dahil sa outbreak ng COVID-19.

Nakatakda sanang mag-isang dibdib ang dalawa ngayong summer subalit dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus ay minabuting hindi muna ito ituloy.

Mayroon ng nakalista na 150 na bisita kung saan sabik na daw ang singer na maglakad sa dambana.

Ang pagkaantala ng kasal ng dalawa ay kasunod ng ilang araw ng ianunsiyo nito siya ay buntis.