Karadagang 1 million doses ng Sinovac COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccine ang dumating sa Pilipinas bandang alas-7:35 kaninang umaga.
Ang bagong batch ng Sinovac vaccine ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City lulan ng Cebu Pacific Flight 5J 671.
Sinalubong ito ng vaccine czar na si Carlito Galvez Jr., at ng iba pang health officials.
Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa 10 million COVID-19 vaccine doses mula sa iba’t ibang manufacturers ang inaasahan nilang darating ngayong buwan.
Bukod sa Sinovac, kabilang sa iba pang brands na inaasahang darating sa bansa ay ang bakunang gawa ng Sputnik V, AstraZeneca, Pfizer, Moderna at Johnson and Johnson.
Mamayang hapon, 250,800 doses naman ng Moderna vaccine kabilang na iyong mga binili ng private sector, ang darating din sa Pilipinas.