Maghahalal ang House of Representatives ng 11 miyembro nito na magsisilbing public prosecutors sa posibleng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Maaari ring hingin ang tulong ng private prosecutors para maisama sa House public prosecutors para sa impeachment trial.
Nitong Martes ng gabi, opisyal nang nai-refer sa House Committee on Rules ang committee report sa articles of impeachment laban sa Bise Presidente.
Ang naturang komite ang magtatakda ng schedule para sa plenary debate at botohan.
Nangangailangan ng nasa one-third na boto o 106 ng lahat ng 318 House members para ma-impeach ang Pangalawang Pangulo.
Sa oras na maabot ang kinakailangang boto, ipapadala na ang articles of impeachment sa Senado, kung saan “forthwith” o agad-agad silang magco-convene bilang impeachment court alinsunod sa Konstitusyon.
















