Nakakumpiska ang mga Anti-terrorrism police ng Northern Italy ng air-to-air missile at ilang mga sophisticated weapons sa isinagawang raid sa far-rigth extremist groups.
Naaresto sa nasabing operasyon ang tatlong katao at nakuha sa kanila ang ilang Neo-Nazi propaganda.
Sinasabing pag-aari ng Qatar ang nakumpiskang missile.
Pinangunahan ng Turin special police force na Digos ang operasyon sa pakikipagtulungan ng mga kapulisan sa Milan, Varese, Forli at Novara.
Kinilala ang mga naaresto na sina Fabio Del Bergiolo, 50 isang dating custom officer ng Italia at far-right Forza Nouva party activist; Alessandro Monti, 42, isang Swiss national at Fabio Bernard, 51 na isang Italian.
Ang operasyon ay bilang imbestigasyon sa Italian far-right na tumutulong sa Russian-backe separatist forces sa eastern Ukraine.