Nagbigay ng $2-milyon na donasyon ang singer na si Kanye West bilang tulong suporta sa pamilyang naulila ng black-American na si George Floyd, Ahmaud Arbery at Breonna Taylor.

Kinabibilangan ito ng funding para sa legal fees para sa pamilya Arbery at Taylor kabilang ang black-owned businesses na dumaranas ng krisis sa Chicago at ilang mga lungsod.

Mayroon na ring education plan para sa full college tuition coverage kay Gianna Floyd ang 6-anyos na anak ni George Floyd.

Magugunitang namatay si Floyd matapos daganan ng pulis gamit ang tuhod nito sa kaniyang leeg habang si Arbery na isang black man ay binaril habang nagjo-jogging sa labas ng Brunswick noong Pebrero 23 at si Taylor naman ay binaril sa Kentucky sa loob ng kaniyang apartment noong Marso.