DAVAO CITY – Nananatiling suspendido ang international flight sa Francisco Bangoy International Airport (Davao International Airport) hanggang sa Hulyo ngayong taon.
Ito mismo ang kinumpirma ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio.
Ayon sa alkalde, na-postpone ang petsa sa pagpapatuloy na sana ng international flights matapos pulong sa pagitan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Napag-alaman na kahapon, Hunyo 22, ang original schedule dapat na pagbalik ng operasyon sa international flights.
Gayunman, ilan sa mga airline companies ang nagkansela ng kanilang flights kabilangan ang Cebu Pacific, Cathay Pacific, at Silk Air.
Ang Cathay Pacific ay may flight na Hong Kong-Davao City, habang ang Silk Air at Cebu Pacific ay may flight na Davao-Singapore.
Una nang kinumpirma ng CAAP-Davao airport manager na si Rex Obcena ang nasabing hakbang ng mga airline companies ngunit hindi na nito binanggit ang dahilan kung bakit nagsuspinde ang mga ito ng kanilang operasyon.