Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga lokal na opisyal partikular sa League of Municipal Mayors na suportado ng Kamara ang panawagan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na taasan ang share o pondo ng mga LGUs sa taunang national budget.
Ayon kay Romualdez ini-utos ng Pangulo na gawin ang lahat ng nararapat at kailangan ng sa gayon makinabang ang mga komunidad sa pag-unlad ng buong bansa.
Inihayag ni Romualdez na ang Kamara ay maglalaan ng dagdag na pondo sa mga LGUs bilang tugon sa Mandanas ruling ng Supreme Court na siyang nagdadagdag sa share ng local governments mula sa national taxes.
Sa Mandanas ruling ng Supreme Court,ito ay nagsasaad na ang mga LGUs ay makakatanggap ng 40 percent sa lahat ng mga government tax collections hindi lamang sa internal revenue.
Naniniwala si Speaker na ang dagdag na pondo sa mga LGUs ay marami ang magagawa lalo na sa mga ipinapatupad na programa at mga proyeko na mapapakinabangan ng publiko.
Binigyang-diin ni Romualdez na ramdam ng national government ang pangangailangan ng mga LGUs para mai-angat ang kabuhayan ng ating mga kababayan.
Sinabi ni Speaker ang commitment ng national government na makipagtulungan sa LGUs para sa epektibong ma-integrate ang local health systems sa pagpapatupad ng Universal Health Care.
Aminado kasi si Speaker na nangangamba ang mga LGUs sa epekto ng Mandanas ruling sa isyu ng devolution of health services.
Dahil dito pinawi ni Romualdez ang pangamba ng mga alkalde dahil laging nakahanda ang national government na umalalay sa mga ito.
Pinasalamatan din ni Speaker ang mga municipal mayors at iba pang mga opisyal sa pagtutok sa Sustainable Develop Goals sa kanilang 2024 generally assembly.