-- Advertisements --

Tuloy ang trabaho!

Ito ang binigyang diin ni Department of Education Sec. Sonny Angara kasunod ng paghahain nito ng kanyang courtesy resignation kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa kalihim, magpapatuloy ang pagpapatupad nito ng mga programa at paghahatid ng serbisyo sa mga Pilipino.

Sa isang pahayag ay sinabi ni DepEd Media Relations Chief Dennis Legaspi, sa pagbubukas ng Palarong Pambansa sa Ilocos Norte bukas, sasamahan mismo ni Angara si PBBM.

Handang-handa na rin ang ahensya para sa pagbubukas ng school year 2025-2026 sa Hunyo.

Tiniyak ng ahensya na walang magbabago sa trabaho nito hanggat walang pang desisyon ang Pangulo sa ipinasang courtesy resignation ni Angara.