-- Advertisements --

ILOILO CITY – Viral ngayon sa social media ang kakaibang paraan ng pagdaos ng commencement exercise ng isang unibersidad sa lungsod ng Iloilo.

Ito ay sa kabila ng pagkansela ng lahat ng graduation rites dahil epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa mensahe ni Dr. Teodoro Robles, presidente ng Central Philippine University, sinabi nito na nais man gawing normal ang graduation ceremony ng pamantasan, ngunit ayaw niyang ilagay sa peligro ang kalusugan ng mga estudyante at mga guro.

Ani Robles, bilang pagsunod sa physical distancing, napag-isipan nilang gawing virtual ang commencement exercises kung saan noon sa “big field” idinadaos ang graduation ngunit ngayon ay sa harap na lang ito ng computer makikita.

Sa video, ipinakita ang graduation pictures ng 727 na mga graduates kung saan umabot sa 29 ang mga honor graduates, tatlo ang summa cum laude, 7 ang magna cum laude at 19 na mga cum laude.