-- Advertisements --

Hindi minamadali ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang paggaling ni Kai Sotto.

Sinabi nito na isasama lamang nito ang 7-foot-3 na si Sotto sa Jeddah, Saudi Arabia para sa FIBA Asia Cup mula Agosto 5-17.

Paglilinaw nito na hindi maglalaro o makikipag-praktis si Sotto dahil sa hindi pa tuluyang gumagaling ang kaniyang injury.

Mahalaga aniya ngayon na nandoon ang presensiya niya para makita rin ang ibang mga laro ng ibang koponan pag-ito ay sasabak na.

Bagamat inaasahan na makakasama na ng Gilas si Sotto sa buwan ng Nobyembre o Disyembre para sa simula ng FIBA World Cup qualifier ay hindi minamadali ni Cone na makapaglaro ito.

Kasama ng Gilas Pilipinas sa Group D ang New Zealand, Chinese Taipei at Iraq.

Unang makakaharap ng Gilas ang Taiwanese sa Agosto 6 na susundan ng New Zealand sa Agosto 8 habang sa Agosto 10 naman ang Iraq.