-- Advertisements --

Lalo pang humina ang bagyong Jolina na ngayon ay nasa tropical storm category na lamang, habang malapit sa Manila Bay, patungong Bataan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 85 kph at may pagbugsong 115 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis lamang na 10 kph.

Signal No. 2:
Northern portion ng Oriental Mindoro, northern portion ng Occidental Mindoro, kasama na ang Lubang Islands, central portion ng Quezon, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Metro Manila, southern portion ng Bulacan, Pampanga, Bataan, Zambales at Tarlac

Signal No. 1:
Marinduque, La Union, southern portion ng Benguet, southern portion ng Nueva Vizcaya, southern portion ng Aurora, Pangasinan, Nueva Ecija, natitirang bahagi ng Bulacan, northern at southern portion ng Quezon, kasama na ang Polillo Islands, central portion ng Oriental Mindoro at central portion ng Occidental Mindoro

Samantala, patuloy namang binabantayan ang paglakas ng bagyong Kiko na nagbabanta sa extreme Northern Luzon.