Malabo pa sa ngayon na mangyari ang panukala ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na magkaroon ng joint military execise ang kanilang bansa at ang puwersa ng Pilipinas.
Ayon kay Sen. Francis Tolentino, wala naman tayong mutual defense treaty sa Beijing.
Nabatid na isa sa mga kinakailangan para sa pagdaraos ng mga kahalintulad na aktibidad ay ang tratado na naratipikahan ng dalawang bansa.
Kabilang sa mga kaagapay ng Pilipinas sa mga nakaraang military drill ay ang Estados Unidos, Australia at Japan.
Para naman sa panig ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi ni Gen. Romeo Brawner Jr. na anumang bagay na makakatulong sa paglinang ng kasanayan ng mga sundalo para sa pagtugon sa karahasan at kalamidad ay kanilang ipagpapasalamat.
Sang-ayon umano ito sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “a friend to all and an enemy to none.”