Nakatakdang makaharap ni dating UFC flyweight world champion at ONE flyweight world grand prix winner Demetrious Johnson si ONE flyweight world title Adriano Moraes.

Gaganpina ang laban ng dalawa sa Pebrero 24 kung saan isinasapinal pa nila ang venue.

Moraes and Johnson
Morae(L) , Johnson (R)

Mula ng malipat sa ONE Championship ang 34-anyos na si Johnson ay tinalo niya lahat ang tatlong laban nito.

Pinakahuling tinalo nito ay si Danny Kingad ng Team Lakay sa pamamagitan ng unanimous decision.

Huling lumaban si Moraes noong Enero 2019 ng talunin si Geje Eustaquio sa kontrobersiyal na unanimous decision na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Unang itinakda ngayon taon sana ang laban nina Johnson at Moraes subalit dahil sa COVID-19 pandemic ay ipinagpaliban ito.