-- Advertisements --
Nilista ni Jhul Ian Cañalita ng Central Visayas ang kanyang pangalan sa kasaysayan ng Palarong Pambansa 2025 matapos basagin ang 27-taong rekord sa secondary boys’ 5000m run nitong Martes sa Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium sa Laoag, Ilocos Norte.
Ang 16-anyos na atleta ay nagtala ng oras na 15 minuto at 16.31 segundo kung saan natalo nito ang dating record ni Cresencio Cabal na 15:38.4 noong 1998 sa Bacolod.
Samantala, nasungkit naman ni Elmer Dizon ng Cagayan Valley ang silver medal na may oras na 15:22.91, habang si Welmer Jeck Labrador ng Western Visayas ang nakakuha ng bronze medal sa oras na 15:25.84.