Hindi makakalaro si Jeremy Sochan ng San Antonio Spurs sa FIBA EuroBasket 2025 matapos siyang magtamo ng calf injury habang nagsasanay kasama ang national team ng Poland.
Kinumpirma ito ng Polish Basketball Federation, at Sochan na bagama’t hindi siya makakalaro sa torneo na magsisimula sa Agosto 27, inaasahan ng mga doktor na magiging ganap ang kanyang paggaling bago magsimula ang training camp ng Spurs.
Ayon naman kay Spurs general manager Brian Wright, tinanggap ni Sochan ang medical attention sa Poland ngunit mas mainam umanong bumalik siya sa San Antonio para sa kanyang tuloy-tuloy na pag-recover.
Maaalalang si Sochan, ay kinuha bilang ika-siyam na overall pick noong 2022 NBA Draft mula Baylor University, at may career average na 11.4 points, 6.1 rebounds, at 2.8 assists sa kanyang unang tatlong NBA seasons.