-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng Utah Jazz sa fourth quarter ang Toronto Raptors para tuluyang idispatsa sa score na 106-102.

Ito pa lamang ang ikalawang panalo ng Jazz sa huling five games.

Malaki ang naging tulong sa Utah ni Bojan Bognanovic na tumipon ng 34 points kabilang na ang six 3-pointers upang itala ng team ang ika-46 na panalo.

Nag-ambag naman mula sa bench ang Fil Am player na si Jordan Clarkson na may 15 points gayundin si Joe Ingles.

Si Rudy Gobert ay nagpakawala ng 13 points at 16 rebounds.

Ang kanilang main player na si Donovan Mitchell ay hindi pa rin nakakalaro.

Samantala, ang Raptors na dating naging kampeon ilang taon na ang nakakalipas ay nasadlak sa record na 26-38 at namemeligrong mabigo na makahabol sa playoffs.

Tatlong sunod na talo na rin ang kanilang natikman.